Don Gervacio Quijada St.
Guadalupe, Cebu City 6000
Philippines
032 2542905
032 5057308
 

TEMA : Kulturang Atin, Tuklasin, Mahalin at Pagyamanin

"Buwan ng Wika"

Noong nakaraang buwan ng Agosto maraming nangyari na napakaganda. Napakasa at punung-puno ng aral ang pagsalubong sa Buwan ng Wika ng mga mag-aaral ng St. Paul Learning Center, Inc.

Sa unang araw ng Agosto ay ipinakita na ang mga banderitas para malaman ng mga mag-aaral na importante pala ang buwan ng Agosto.

Sa unang Linggo pa lamang ay naipadama na ng mga guro at mga mag-aaral ang kanilang paghanga sa iba’t-ibang wika na binibigkas ng mga Ilokano, Waray, Filipino, Aklanon, Ilonggo.

Nagkaroon din ng tagisan ng talino sa pagsagot ng mga tanong sa asignaturang Sibika, at kultura at pagbigkas ng mga bugtong at salawikain sa Filipino.

Sa Ikatlong Linggo noong ika-24 ng Agosto nagkaroon tayo nang Fiesta sa Nayon. Ang mga bata ay nagsusuot ng mga Filipino costume. At nagkaroon din ng paligsahan ang mga bata para malaman din nila ang mga laro ng ating bansa.

At sa huling araw ng buwan ng Agosto ika-31, 2007 dito din naipadama ng mga mag-aaral na kaya nilang sumayaw n gating katutubong nga sayaw n gating bansa at naipakita nila ang kakaibang talento sa pagsasayaw. At ang mga guro din ay nagpapakitang gilas din sa pagkanta. Dito natapos ang kakaibang nangyari sa Buwan ng Agosto at umuwi ang lahat na may ngiti sa kanilang mga labi baon nila ang hindi mababayarang karanasan na natutunan nila.